Friday, March 20, 2020

Aksyong Pangkalikasan, isinagawa sa gitna ng CoVid-19 ni Marites B. Gonzales-Teacher III


             Bilang tugon sa programang Aksyong Pangkalikasan ng Schools Division Office I Pangasinan sa inisyatibo ni Sheila Marie A. Primicias (SMP), CESO VI, Pansangay na Tagapamanihala, ang Pinagbuklod na Paaralang Mabulitec (MIS) sa pamumuno ni Dr. Christine M.Paglingayen, Punong-guro, ay nakibahagi sa ‘divisionwide tree planting’, March 20, 2020.

             Mula sa direktiba ni Dr. Paglingayen, ang mga guro ng MIS ay pansamantalang isinantabi ang ‘checking of forms’ upang ilaan ang ilang oras sa pagtatanim. Kung kaya, ang bawat isa ay nagtanim ng mga gulay at halaman sa kani- kanilang bakuran bilang suporta sa nasabing programa .

             Ayon kay SMP, Pansangay na Tagapamanihala, ang layunin ng programang ito ay hindi lamang upang magkaroon ng sariling 'food basket' na tiyak na masusustansiya ang mga pagkain kundi magkaroon ang bawat isa ng kontribusyon sa pamahalaan kahit sa maliit na pamamaraan sa gitna ng malawakang krisis pangkalusugan dala ng CoViD-19.

             Dahil dito, ang mga guro ng MIS ay nagtulong-tulong upang hikayatin ang mga mag-aaral at mga magulang na makibahagi sa ‘home-based activity’ na ito hindi lamang upang makatulong sa pamahalaan kundi mapangalagaan ang Inang kalikasan.

Photos: Mabulitec IS Messenger


















No comments:

Post a Comment

Blog Archive